free hosting   image hosting   hosting reseller   online album   e-shop   famous people 
Free Website Templates
Free Installer

Year 8 Issue 19
January 15-21, 2002

Search this site: 
 

Story:

Navigate: 

OUT FROM THE COLD:
Hagedorn Speaks Out
(Last Part)

RDA: Some say that the only reason why you stuck with Estrada was because you were in the middle of a business transaction with him.
ESH: That’s a big lie. Walang naitulong sa atin ang presidente na project. Maraming ipinangako pero hindi yon natuloy dahil nga nawala na siya. Maging sa dealings wala, iyong sinasabi ng kampo ni Joel Reyes sa Malakanyang na nag mi-miting raw dito si Bolkia, si Erap, puro kasinungalingan, di totoo iyon. Pero pinalaki nila ng husto ang isyu sa Malakanyang kaya nag-oover-acting iyong mga kalaban ko. Talagang overkill.
RDA: Remember EDSA 2. What were your thoughts when they were marching towards Malacanang?
ESH: Yon talaga ang di tama. Medyo disappointed lang ako ng kaunti, dahil during the time of Cory, binobomba na yong Malacañang, lumalaban pa rin yong PSG. Outnumbered sila noon at ang baril ng PSG mga 45 na lang pero nagpapaputok pa. Kaya ini-expect ko, Asyong Salonga ‘to, mas lalong lalaban ‘to at hindi naman puwedeng ibigay yong highest seat of democracy, iyong ang emblem ng ating democratic process, yong Malacañang, the seat of presidency, at kung ibibigay mo sa mga raliyesta lang yan ng ganon, wala na tayong respeto….
RDA: That would have been bloodshed.
ESH: Di naman mga taong bayan ang nandoon. Karamihan naman mga leftist lang.
RDA: Did you join the pro-Erap siege on Malacanang? The so-called EDSA 3?
ESH: Yong EDSA 3, three days na yon ng inimbita ako, di ako pumupunta. Busy na kami sa kampanya dito noon.
RDA: In principle, did you support the siege by pro-Erap forces?
ESH: Hindi na, yon nga ang iniiwasan naming. Yung ganong mob rule. Meron lang tumawag na hindi ko kayang tanggihan na magpakita lang don. Pumunta ako doon pero hindi ako nagsalita. Iyon yata ang last straw kaya nagalit na yong administration sa akin. Kasi nong pagbaba ni Erap nagkausap pa kami ni Mike Arroyo. Sabi nga ng first gentleman, “You have nothing to explain mayor, as a matter of fact, hanga pa nga kami sa ‘yo. Di mo iniwanan yong kaibigan mo, di tulad sa iba na nagbalimbing, mas takot kami doon.”
RDA: Who asked you to come to Malacanang? Si Erap?
ESH: I cannot reveal that. Off the record.
RDA: Let’s talk about the natural gas share. What do you think is our chance of getting the money?
ESH: Depende sa mga leaders yan. I remember during the time of Ponce de Leon at Speaker Mitra, wala naman tayong share don sa oil. Sila lang ang nakipaglaban. It is more of best efforts of our local officials’ sa pakikipag-usap sa ating mga higher officials na mabigyan tayo ng share. Wala talagang legal basis sa tingin ko kung pagbabasehan iyong jurisdiction na municipal waters. Kung ako kini-claim ko na malakas sa presidente, yan ang una kong gagawin, ang ipaglaban ang share on the basis na kahit iyong personal attachment na lang with the president. Kasi ang presidente lang ang puwedeng magdesisyon dyan, kung sundin natin ang Local Government Code ay labas ng (muncipal) waters. Sa tingin ko mahihirapan tayo sa Court dahil nakikita natin ang Supreme Court at kung paano ang pressure ng pangulo.
RDA: So, tama ang ginagawa ni Governor Joel Reyes, in terms of smooching with President GMA and joining her in international travels?
ESH: Depende din kasi, tulad ng termino natin sa Tagalog na iba yong, isinama at sumama. Halimbawa, ako sasama sa presidente gagawin ko ang lahat ng paraan kahit saang trip dyan, sisipsip ako, isama n’yo ako sa listahan, iba yong personally na tatawagan ka na ‘o halika kasama ka, sagot ko lahat ng gastos’. Di natin malaman kung ano ang totoo dahil kung isinama siya, ganon siya kalakas sa presidente ay dapat tayong matuwa sa Palawan dahil maipaglalaban niya ang share natin. Pero, kung walang resulta ‘yan, hindi siya ganon kalakas.
RDA: What is your stand on the current debate about environment and industry, particularly the entry of mining interests.
ESH: Lagi tayong against, eversince. Kahit nga yong cement plant inoppose natin. Okey sana kung ang ibang NGOs natin ay active pa, kasi ito lang nangyayaring illegal logging at fishing sa ngayon parang tahimik, parang walang bumibira. Yon lang pinangputol yong puno dyan sa highway, parang mag-isa na lang akong nakikipaglaban. Talaga namang hindi naman sila matatamaan ng widening. Mabuti kung four lanes iyong itatayo, pero two lanes lang, di bale kung four lanes dahil para sa improvement ng Puerto Princesa talaga.
RDA: Ang mentality ng maraming political leaders ngayon is biased towards providing jobs. Kaya naii-set aside daw yung mga concerns about the environment. Do you agree?
ESH: Oo, grabe, lalo na sa probinsiya. Yong latest apprehension ng isang lantsa yata galing ng Coron sa Maynila. Ang isang malungkot dito, parang di nila binibigyan ng isang seryosong attention yong offer ng mga foreign funding institutions, like for example, nagkaroon ng programa ang World Bank, ang tawag nila dito ay City Development Strategy. Gagawa sila ng CDS program, gastos nilang lahat, libre. Andon yong ating Mayor at ang hinihingi lang na requirements sa atin ay resolusyon lang, authorizing the mayor to sign and at the same time to endorsing the project. Ang signing ceremony, nagpunta pa nga si Mayor, di niya alam na hindi pala siya kasama sa program dahil hindi na meet yong resolution. Imagine multi-million dollar grant yan at ang sabi ng World Bank, habang ginagawa yong strategy at may nakitang proyekto na puwedeng bigyan ng funding grant ay bibigyan kaagad. Halimbawa, sa infrastructure, farm to market roads, development ng ating mga bridges. At kung makita nila na kailangang-kailangan talaga ay hahanapan nila ng pondo.
RDA: Parang lost opportunity, how much?
ESH: Malaki rin yan. Imagine mo kung may makita silang proyekto na puwedeng pondohan, malaking tulong din yon. Pero wala na. Too late na. Mag-aantay ka ng three to four years.. Yan ang report sa atin ng League of Cities. Nakakapanghinayang ang mga opportunities na ‘to, tayo nga kaya sinasabing maraming utang, pero tingnan nyo naman kung saan ginagamit ang utang, like for example, iyong mga equity natin sa mga foreign funded programs tulad ng sa PRMDP, sa landfill. Yong ating landfill, yong equity dyan kailangan pa bang pag-usapan samantalang may pondo na yan. Bakit pa ipo-postpone yang napaka-importante, isipin mo na ang tagal nyan, Tumulong na nga ang League of Cities dyan para maapura….
RDA: Additional obligation lang daw yan?
ESH: Imagine naman ang laki ng proyekto at halos ilang percent lang ang sa City dyan kesa tayo ang gagawa ng buong program na tayo lahat ang gagastos. May maliit na equity lang ang siyudad, kailangan naman eh, siguro everybody will agree na ang landfill natin ay talagang hindi healthy yan dyan. Itong idedevelop nating landfill ay talagang at least scientific ang operation. Kung ako, bakit ka natatakot mangutang kung iyon naman ang solusyon. Imagine kasi, three terms lang ang isang mayor, iyon ang isang problema dahil limited ang term. Wala kang assurance na after three years ay ikaw pa rin, kung gusto mong i-fast track yong mga programa mo hindi ka namang puwedeng gamitin mo yong pera na darating pa next year, so mangutang ka para lang ang mga projects na gusto mo and at the same time ay ma-pump prime mo yong economy dito sa ating lugar. Gaya ng mga loans natin sa Bus & Jeepney terminal, importante naman yon, ang laki naman ng participation don ng foreign institution. Yong ating covered gym. Anong pakinabang nyan, sa tingin ko kung natuloy lang ang master plan ng Palafox, di sila mahihirapan ng ganito.
RDA: Are you behind the filing of the case against the province in connection with the Western Powers deal?
ESH: Hindi ako ang nagfile ng kaso at hindi rin ako ang nag engganyo kay Joseph Sta Cruz.
RDA: Is it true na magkadikit kayo ni Joseph Sta Cruz?
ESH: Lumapit na lang sa akin si Joseph Sta Cruz itong huli na, after elections na kailangan na niya ang abogado sa isinampa niyang kaso. Nagpatulong sa atin yan. Pero nong magfile siya ng case, hindi. Kaya nga sarili niya at wala siyang attorney na mag file. Hindi rin kami close ni Joseph, ni hindi nga nakapagtrabaho sa City Hall. Ang alam ko, empleyado siya ng Kapitolyo. Pumutok ito ng magkuwento si Board Member Belen Abordo na binaraso yong Sanggunian para I-approve yon. At saka highly malicious. Gumawa muna sila ng isang corporation ng December. Wala pang track record yong corporation at ang capitalization, yong paid up capital is only P300,000. Isipin mo, January biglang nagkaroon ng kontrata sa Provincial Government tungkol sa merging ng kanilang corporation at yong Palawan Development Energy Corporation. Sa dami ng corporation na may mga track record, bakit itong bagong-bago ang biglang pumasok. Tapos, March binaraso na yong resolusyon na I-approve yong Memorandum of Agreement nila. So, ano ang hinahabol dito, iyong election period. Nakakaduda talaga na mayroong perang involve dyan, kasi halos I-compromise mo yong kikitain ng Palawan. Ni walang public hearing, at ang governor kasama don sa corporation.
RDA: Isn’t it standard practice to appoint government officials in companies where government has interests?
ESH: Hindi standard yon. Kasi kahit papano, nasa pangalan mo yan, hindi pupuwedeng ilipat yong stock ng corporation kung hindi ka pipirma in favor of the transferee. Halimbawa don sa pagtransfer mo ng stock, pipirma ka dyan. Hindi ka naman puwedeng pilitin kung ayaw mo. Halimbawa, kung hindi ka na governor at tuloy-tuloy ang kita non, andon yong share mo sa corporation. Wala namang sinabi doon na pagka umupo na yong isang governor ay irelinquish mo yong share, wala yon sa contract at walang sinabing ganon. At wala sa batas na puwede kang magkaroon ng involvement sa kahit anong transaction involving money.
RDA: Is this tantamount to a plunder case?
ESH: Hindi pero yong act andon. Hindi plunder yan dahil wala pang perang involved. Pero sa graft and corruption talagang highly anomalous yan. Well, anyway, kung sinasabi ni Joel Reyes na malakas siya sa presidente, siyempre madi-dismiss yan. Kapagka ganyan, wala na tayong ibang venue.


  © 1994-2002 Palawan Sun Publishing, Inc.
(website v4.0)
  Webdesign by Patatong WebWorx™